Suplay ng karne, gulat sapat sa holiday season – DA

Suplay ng karne, gulat sapat sa holiday season – DA

December 11, 2022 @ 11:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng karne, gulay at bigas sa papalapit na holiday season.

Ito ang sinabi ni DA deputy spokesman Rex Estoperez sa isang media forum nitong Sabado, Disyembre 10.

“‘Sa mga pamilihang bayan mamili ka lang lahat ng varieties andiyan,” ani DA deputy spokesman Rex Estoperez.

Sa kabila nito, inaasahan naman na tataas ang presyo ng gulay at karne dulot ng mga nagdaang malalakas na bagyo na sinabayan pa ng African swine fever.

Batay sa huling monitoring ng DA, naglalaro sa P210 hanggang P260 ang presyo ng frozen na kasim samantala P300 hanggang P330 naman ang presyo ng mga sariwang karne ng kasim.

Nasa P265 hanggang P300 naman ang presyo sa frozen liempo samantala P330 hanggang P390 sa fresh liempo. RNT/JGC