Suplay ng karneng baboy sa merkado, sapat-grupo

Suplay ng karneng baboy sa merkado, sapat-grupo

December 1, 2022 @ 11:41 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG)  na may sapat na suplay ng baboy para sa kapaskuhan sa bansa sa kabila ng pagtaas ng presyo sa ilang wet market sa Metro Manila.

Ani SINAG chairperson Rosendo So na ang kasalukuyang suplay ay maaaring tumagal nang lampas sa unang quarter ng 2023 dahil ipinakita rin sa datos ng gobyerno na ang mga inangkat na produkto sa cold storage ay marami.

Ang farmgate prices ng live hogs ay nasa P155 hanggang P175 kada kilo, ayon sa SINAG.

Tinawag niya naman ang mga nagpapakalat ng balita na kakulangan sa supply ng karne na “economic saboteurs.”

“Importers and traders continue to dominate the retail market and rake in profits; at the expense of the producers, consumers, and the foregone revenues ng government. Masaya lang ang pasko para sa importers at traders,” aniya pa.

Sinabi naman ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Department of Agriculture (DA) na bumagsak ang suplay ng baboy ngayong quarter ngunit nanatiling sapat para sa pangangailangan ng bansa.

“95% sufficiency level po tayo. Mababa po ito kumpara sa quarter three kung saan may 121% sufficiency level tayo,” ani  BAI Supervising Science Research Specialist Lani Cerna. RNT