Suplay ng kuryente sa Paeng-hit areas balik-normal na

Suplay ng kuryente sa Paeng-hit areas balik-normal na

November 2, 2022 @ 4:19 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naibalik na sa normal ang suplay ng kuryente sa mga lugar na tinamaan ng Severe Tropical Storm Paeng.

Ito ang inanunsyo ng Manila Electric Company nitong Miyerkules, Nobyembre 2.

Sa abiso, bagama’t naisaayos na ang mga pasilidad na naapektuhan ng bagyo ay patuloy din nilang sinisiguro na ang mga konsumidores ay mayroon na ring suplay ng kuryente.

Matatandaan na nitong Martes, Nobyembre 1 ay sinabi ng Meralco na sisikapin nilang maibalik na ang serbisyo sa 13,168 customers na walang suplay ng kuryente partikular na sa mga probinsya ng laguna, Quezon, Bulacan, Batangas, Cavite, Rizal at Metro Manila.

Samantala, sinabi rin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na balik na sa normal ang kanilang power transmission operations sa Luzon na naapektuhan ng bagyo.

“NGCP assures the public that it is continuously monitoring weather disturbances and is ready to activate its Overall Command Center should there be any threat to its transmission facilities,” pahayag ng NGCP. RNT/JGC