Suplay ng kuryente sapat; rotational brownouts mula sa plant breakdowns

Suplay ng kuryente sapat; rotational brownouts mula sa plant breakdowns

June 2, 2021 @ 4:23 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Energy Secretary Alfonso Cusi na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa sa kabila ng power interruptions sa Luzon.

“Mayroon talagang enough power supply but unfortunately there are unforeseen breakdowns,” ani Cusi sa Kapihan sa Manila Bay forum.

Aniya nawalan ng 1,600 megawatts sa power supply dahil sa plant breakdowns.

Maaari aniyang dahilan ng plant breakdowns ang pinalawig na maintenance ng mga pasilidad nito dahil sa pandemya.

“May mga planta na dapat mag-maintain last year, pero hindi sila nakapag-implement ng plant maintenance dahil sa kakulungan ng pagdating ng spare parts at saka ‘yung mga delay in technical people,” paliwanag nito.

Iniimbestigahan na rin ng DOE ang posibleng kapabayaan ng mga planta ukol dito.

Tatagal hanggang Miyerkoles ang red alert status sa Luzon dahil sa mataas na demand. RNT/ELM