Suplay ng noche buena items, sapat-DTI

Suplay ng noche buena items, sapat-DTI

December 2, 2022 @ 8:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines-Tiniyak ng Department of Trade and Industry ang sapat na suplay ng lahat ng noche buena items ngayong holiday season sa isinagawang National Price Coordinating Council Meeting, ani Trade Secretary Alfredo Pascual.

Kasama sa mga natalakay ang presyuhan at dami ng suplay ng noche buena products lalo’t inaasahang tataas ang bentahan nito ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.

Pero nilinaw ng DTI na hindi kasama sa basic necessities at prime commodities ang mga ito kaya price guide lang din ang inilabas ng kagawaran para dito.

Kaya bahala na aniya ang konsumer na mamili kung ano ang bibilin dito depende sa kanilang budget.

“Sa noche buena (items) enough supply … pag merong retailer na magcha-charge sa 10 percent higher than the noche buena price guide eh hihingan namin ng explanation ‘yun … into that extent isa-sanction din ‘yung going beyond the price guide, pag more than 10 percent ‘yung price increase nila relative to the guide we will consider that as unreasonable increase,” ani Pascual. RNT