Resupply mission ng PH military sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal tagumpay

June 25, 2022 @4:15 PM
Views:
10
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine military nitong Sabado na sa kabila ng shadowing at radio challenges mula sa Chinese Coast Guard vessel, ang Western Command (WESCOM) “successfully rotated troops and reprovisioned the beached BRP Sierra Madre (LS 57) in the Ayungin Shoal.”
Nadala rin ang mga suplay sa Ayungin detachment sakay ng indigenous boats na Unaizah Mae 2 at 3 mula Hunyo 20-22, 2022.
Nakarating na rin ang bagong batch ng mga tauhan sakay ng Sierra Madre, upang siguruhin ang presensya ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group.
Matapos ang matagumpay ng resupply mission, nagsumite ang WESCOM ng ulat sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) sa presenya ng Chinese vessels sa Kalayaan Island Group.
Matatandaang noong Disyembre 2021, iginiit ng China na alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal. RNT/SA
Mag-dyowa tiklo sa P.7M droga, boga

June 25, 2022 @4:03 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Ibinalibag sa magkahiwalay na selda ang sinasabing mag-dyowang tulak nang makuhanan ng halos P.7 milyong halaga ng shabu at baril sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Arestado sina Raymond Ejara, 36 ng Barangay 176, Bagong Silang at; Arlene Gaspang, 24 ng National Highway, Cabuyao, Banaybanay, Laguna, na kapwa haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, habang may karagdagang kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition laban kay Ejara.
Bandang ala-1:30 ng hapon kamakalawa nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Phase 8B, Kaagapay Road, Barangay 176 kung saan isang undercover ang nakaiskor sa mga suspek ng P37,500 halaga ng droga, at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng epektus ay agad silang dinamba.
Aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na may P680,000, buy-bust money at isang cal. 38 pistol na may tatlong bala ang nakumpiska sa mga dinakip. Merly Iral
Malakanyang dismayado sa hirit ng ICC na imbestigasyon vs ‘drug war’ sa Pinas

June 25, 2022 @4:00 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Dismayado ang Malakanyang sa pinakabagong hiling ng International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan na ipagpatuloy ang imbestigasyon kaugnay sa “rights situation” sa Pilipinas, pitong buwan matapos na suspendihin ito dahil sa apela ng gobyerno.
“For the nth time, we express exasperation on the latest request of the International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan,” ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar sa isang kalats.
Sa ulat, hiniling ng taga-usig ng ICC sa pre-trial chamber na payagan ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ukol sa “war on drugs” sa Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Nakasaad sa 53-pahinang resolusyon, sinabi ni ICC prosecutor Karim Khan na hindi naipakita ng Philippine government na nag-imbestiga ito o iniimbestigahan nito ang mga mga mamamayan o iba pa na sangkot sa serye ng patayan na may kaugnayan sa anti-drug campaign.
Muling inulit naman ni Andanar na “amid our hugely successful anti-illegal drug campaign that saw a massive dip in crime incidents attributed to drug abuse, the Duterte administration has undertaken, through the Department of Justice, in partnership with the Philippine National Police, among others, investigations of all deaths that have arisen from lawful drug enforcement operations.”
“This shows transparency and the efforts to address alleged flaws in the campaign are in fact supported by the United Nations in its 3-year technical cooperation program with the Philippines known as the Joint Program on Human Rights that took effect in July last year,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, pansamantalang itinigil ng ICC ang imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni Pangulong Duterte.
Pinagbigyan ng ICC ang kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na huwag munang ituloy ang pagdinig sa kasong crimes against humanity laban kay Duterte.
Ayon sa dokumento ng ICC na may petsang Nobyembre 18, pansamantalang sinuspinde ng prosecution ang imbestigasyon habang isinasagawa ang assessment sa scope at epekto ng “deferral request.”
“Notably, the Philippine government makes no reference at all to any investigation into crimes committed before July 2016, nor to any investigation into crimes other than murder—and, even then, only murders allegedly carried out in police operations, as opposed to murders allegedly carried out in other relevant circumstances,” ang pahayag ni Khan sa kanyang request sa chamber.
“The Philippine government does not appear to be investigating whether any of the alleged crimes were committed pursuant to a policy or occurred systemically, or whether any person in the higher echelons of the police or government may be criminally responsible,” dagdag na pahayag nito.
“For these reasons alone, the Court should not defer to the Philippine government’s investigation,” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Khan na ang impormasyon at komunikasyon na isinumite sa prosekusyon ng civil society organizations ay nagpapahiwatig na kailangan ang ICC investigation.
Tinukoy nito ang report ng Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa imbestigasyon na sa drug-related killings mula 2016 hanggang 2021, kung saan natuklasan na ang gobyerno ay “failed in its obligation to respect and protect the human rights of every citizen, in particular, victims of drug-related killings.”
Binanggit din ng CHR ang “culture of impunity” na nagsisilbing pananggalang ng mga perpetrators para papanagutin.
“Similar views and concerns have been communicated to the Prosecution by non-governmental organizations and groups representing victims, all supporting the resumption of the Court’s investigation,” ayon kay Khan.
“Without such an investigation, the prosecution submits that there is a real risk that Rome Statute crimes committed in the Philippines will go un-investigated and unpunished,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, ang hiling naman ni Khan sa chamber ay “issue an order, on an expedited basis, setting out the procedure in deciding his request; receive more observations it considered appropriate from victims and the Philippine government, according to an expedited schedule; and authorize the resymption of the court’s investigation in the situation in the Philippines, notwithstanding the deferral request.” Kris Jose
P96M iligal na droga, sinira sa W. Visayas

June 25, 2022 @3:45 PM
Views:
18
BACOLOD CITY- Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Western Visayas (Region 6) ang P95,549,936.82 halaga ng iligal na droga sa pamamagitan ng thermal destruction sa Acropolis Gardens in Barangay Bata nitong Biyernes.
Sa kasalukuyan ay ito ang pinakamalaking pagsunog sa nasabat na iligal na droga sa rehiyon, ayon kay PDEA-Western Visayas Director Alex Tablate.
Sinabi rin ni Tablate na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P93,788,833.60 at 12,431.0244 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,761,103.2267 ang sinira.
Kabilang sa mga sinunog ang na-rekober ng mga pulis at PDEA sa rehiyon na iligal na droga– P20.4-milyong shabu sa Bacolod Real Estate Development Corp. (Bredco) port noong Enero at P34 milyong shabu sa Escalante City, Negros Occidental nitong Marso at P13.6 milyong shabu sa San Carlos City, Negros Occidental kamakailan.
Ipinaliwanag ni Adonis Abueva, chief ng PDEA-Western Visayas laboratory, na nakasaad ang proseso sa ilalim ng Section 21 ng Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Binanggit ni Abueva ang Section 21 ng RA 9165 na nagsasabing: “After the filing of the criminal case, the court shall, within 72 hours, conduct an ocular inspection of the confiscated, seized and/or surrendered dangerous drugs, plant sources of dangerous drugs, and controlled precursors and essential chemicals, including the instruments/paraphernalia and/or laboratory equipment, and through the PDEA shall within 24 hours thereafter proceed with the destruction or burning of the same, in the presence of the accused or the person/s from whom such items were confiscated and/or seized, or his/her representative or counsel, a representative from the media and the Department of Justice, civil society groups, and any elected public official.”
Base kay Abueva, pinili ang Acropolis Gardens upang isagawa ang proseso dahil kaya nitong sirain ang iligal na droga nang hindi nakasisira sa sa kapaligiran at sa mga tao dahil ang substances ay sumasailalim sa dalawang burning processes.
Aniya, ang end product ng thermal destruction at steam (water) at carbon dioxide na hindi mapanganib sa mga tao kapag nasinghot ito.
Aniya pa, ang mga nasabat na items na isinailalim sa thermal destruction ay kumpirmadong iligal na droga dahil sumailalim umano ito sa Simon’s Test.
Ani Tablate, ang rason sa thermal destruction ay upang alisin ang duda ng publiko sa drug recoveries, at binigyang-diin na kailangan talaga itong sirain.
Iginiit pa niya na ang papel ng publiko sa pag-alis sa iligal na droga da komunidad ay ang pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad. RNT/SA
Pag-automate sa overseas employment certificate hirit ni Ople

June 25, 2022 @3:30 PM
Views:
20