Suplay ng sardinas sa Pinas, sapat-BFAR

Suplay ng sardinas sa Pinas, sapat-BFAR

September 8, 2022 @ 7:12 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa mga mamimili nna may sapat na suplay ng sardinas ang bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng DA-BFAR na ang supply ay “ganap na locally-produced” kahit na ito ay nagtataya ng taunang produksyon na 293,431 MT.

“The volume, which is entirely sourced locally, comes from commercial and municipal fishers, at 208,387 metric tons (MT) and 85,043 MT share, respectively,” anang BFAR.

Ang nasabing projection ay inaasahang sasapat sa pambansang demand na 101,367 MT sardines.

Tulad ng DA-BFAR, tiniyak din ng Philippine Statistics Authority ang kasapatan ng suplay sa sardinas.

“There is no sardine shortage, as sufficiency level for sardine or tamban is pegged at 222.58% for the first quarter of 2022, and 409.06% for the 2nd quarter,” anang PSA.

Binanggit ng ahensya na ang pagpapatupad ng National Sardine Management Plan ay nakatulong sa pagpapatatag ng lokal na suplay.

“Mula nang ipatupad ito noong 2020, isang kapansin-pansing pagpapabuti sa produksyon at suplay ang naitala,” sabi pa ng DA. Santi Celario