Suplay ng testing kits sa Pinas ‘di kulang- Vergeire

Suplay ng testing kits sa Pinas ‘di kulang- Vergeire

January 18, 2022 @ 4:20 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Walang shortage sa testing  kits sa mga laboratories o RT-PCR test sa bansa.

Ito ang nilinaw ni Health Usec Maria Rosario Vergeire kasabay ng pahayag na nagkataon lamang na nagtaas ang demand  ng laboratory services tulad ng RT-PCR test kaya aniya nagkaroon ng backlog o nagkaroon ng pagbagal ng paglabas ng resulta o sa pag-access ng mga tao dahil sa biglaang pagtaas pangangailangan ng serbisyo.

“Pero inuulit ko wala po tayong shortage, we have enough supply in testing kits in the government and we continously provide laboratories with these testing kits”, paglilinaw ni Vergeire.

Ayon pa kay Vergeire, ang ginagawa ngayon ng gobyerno ay para magkaroon ng price caps.

“We are now reviewing…meron na tayong price cap for our testing , testing methodology  tulad po ng ating RT-PCR , ngayon  isinasama na natin sa pag-aaral ang antigen test,” patuloy niya.

Pinag-aaralan na rin aniya ang Technical Working Group ng DOH at DTI ang mga bagong cap sa presyo para sa mga laboratory.

Hintayin na lamang umano na maglabas ng cap sa susunod na mga linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden