Suplay ng tubig sa Imus, 6 buwan nang palyado

Suplay ng tubig sa Imus, 6 buwan nang palyado

June 8, 2022 @ 12:48 PM 3 weeks ago


IMUS, Cavite- Napapaiyak na lamang ang ilang negosyante sa Imus, Cavite dahil sa higit 6-na buwan ng hindi maayos na suplay ng tubig ng Maynilad Water Services Inc. sa lungsod na ito.

Karamihan sa mga dumadaing ay ang mga food services o kainan at mga salon dahil malaking pasakit sa kanila ang halos 6 na oras lamang ang pagkakaroon ng tubig sa kanilang mga gripo.

Humingi naman ng paumanhin sa kanilang mga kustomer si Maynilad Corporate Communications Head Jennifer Rufo sa pagkukulang ng suplay ng tubig.

Inamin naman ni Rufo na mahirap ang suplay ng tubig sa mga lugar sa Imus dahil sa lokasyon.

“Dulong-dulo ito so talagang ‘di pa siya talaga 24 hours na may tubig… pag mataas ang lugar, kailangang marami ang supply at kailangan ma-i-push ito ng pumping station para makarating sa elevated portions,” ani Rufo.

Sinabi pa ni Rufo na gumagawa na rin sila ng solusyon sa nasabing problema sa pamamagitan ng pagtatayo nila ng gusali na siyang ikatlong water treatment plant sa Laguna Lake.

“Target po natin na matapos ‘yan next year. Kukuha rin siya ng tubig sa Laguna Lake… ‘pag nabuo na ito, nakakadagdag siya ng another 150 million liters of water per day,” she stated. “Kapag naging operational ‘yan, ‘yan po ang long-term solution, magiging 24 hours ang tubig sa Imus.” Pagtatapos ni Rufo./Mary Anne Sapico