Suporta kay Cayetano bumuhos sa Kamara; tamang panahon kay Velasco, darating

Suporta kay Cayetano bumuhos sa Kamara; tamang panahon kay Velasco, darating

September 23, 2020 @ 4:46 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naniniwala ang mga mambabatas na hindi tama at hindi makabubuti ang pagpapalit ng House Speaker sa gitna ng nararanasang pandemya at mainam na huwag ituloy ang term-sharing agreement.

Ayon kay Sagip Rep. Dante Marcoleta ang naunang “gentleman’s agreement” sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Rep. Lord Allan Velasco ay nabuo nang hindi naman inaakalang may mangyayaring COVID-19 pandemic.

“Leadership is not about competing or ‘waiting our turn at the right time. The last six months dictated the most critical path of our national life. In Congress, we needed everyone to rally behind the Speaker in enacting the crucial pieces of legislation that will secure our survival as a people,” paliwanag ni Marcoleta.

Giit pa nito na ang hindi pagsunod sa “gentleman’s agreement” ay hindi makokonsiderang “test of leadership”.

“May kasabihan po tayo na mahirap magpalit ng kapitan sa gitna ng umaalimpuyong bagyo. I know that in another time, the star of Rep Velasco will still shine the brightest. After all, he has the youth and vitality on his side,” pahayag ni Marcoleta.

Gayundin ang pahayag ni Laguna Rep. Danilo Fernandez, aniya, mas maraming kongresista ang pabor na huwag magpalit ng House Speaker.

“A lot of congressmen right now believe that it’s not the right time because the Congress right now, in addressing the problem of COVID-19, is doing good,” pahayag ni Fernandez.

Sinabi ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte na bagamat gagalangin nila ang term-sharing agreement, mas maraming House members ang umaasang huwag nang magsagawa ng leadership change.

“The term-sharing will start in November. Now what I am saying is as that time nears, we will honor that, but if you ask the congressmen, they do not want a change,” pahayag ni Villafuerte.

Para din kay Caloocan City City Rep Egay Erice ng Liberal Party dapat na kanselahin ang term-sharing agreement dahil sa COVID-19 pandemic.

“We are all aware of it. However, in the interest of this House and the interest of the Filipino people who are in dire need of our prompt actions in confronting the pandemic, I think this agreement should make way for the tested leadership of Speaker Alan Peter Cayetano. The leadership skills, the network of Cayetano is indispensable at this time. And we have to unite for him, we have to unite with him in these trying times,” paliwanag ni Erice.

Ang kagustuhan umano ni Velasco na maging lider ng Kamara ay mangyayari sa hinahaharap.

“Congressman Velasco’s aspirations can wait. He is young, brilliant and only in his second term. In God’s time, he will shine, but not for now” pagtatapos pa ni Erice sa kanyang privelege speech sa Kamara. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •  

Loading...