Suporta ng iba’t ibang partido sa Kamara kay Cayetano patuloy

Suporta ng iba’t ibang partido sa Kamara kay Cayetano patuloy

September 24, 2020 @ 7:53 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinasalamatan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang buhos ng suportang ibinibigay ng mga kongresista sa kaniyang liderato kahit ang mga ito ay iba-iba ang Partido.

“I am eternally grateful to every member of Congress for your continued trust and support in the leadership of this House of the People. And now I would ask that we translate this an overwhelming show of unity into action by swiftly passing a great budget that we can all be proud of,” ani Cayetano sa kaniyang Facebook post.

Naniniwala ang speaker na mawawalan ng kabuluhan ang suportang kaniyang natatanggap kung hindi rin lamang maipapasa ang mga panukalang batas na nauukol sa pagsugpo sa pandemya at pagtulong sa mga Pilipinong labis an naapektuhan ng krisis.

“Balewala ang support if we stay in office pero we don’t deliver y’ung priorities ng administration at pangangailangan ng tao. So, y’un po ang puno’t dulo. Hindi po pondo ang pag-uusapan dito kundi priorities.”

Kasunod ito ng pahayag ni Deputy Speaker at Mandaluyong Rep. Boyet Gonzales na kung pababayaan lamang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ay mananatiling Speaker si Cayetano.

Paliwanag ng mambabatas na nagging maayos ang liderato ni Cayetano na ang karanasan sa politika at pagsisilbi ay malawak na aniya dahil nagsimula ito biang councilor, congressman, senador at kalihim ng Department of Foreign Affairs.

“Never has the House experienced a closer relationship and coordination with the Cabinet Secretaries, all because Speaker Alan was also a former cabinet secretary.This is the only time in the history of the House, that a Speaker was once a upon a time, both a former Senator and a cabinet Secretary.”

Sinabi pa ni Gonzales na nararamdaman ng lahat miembro ng kamara ang pagsisikap at mainig na pakikisama ng liderato ni Cayetano lalo ngayon nasa gitna ng pandemya.

“Masalimuot masyado ang sitwasyon sa ating bansa at ng buong mundo sa ngayon. Pati ang Kamara ay naapektuhan sa paraan ng pagtrabaho. But under the leadership of Speaker Alan, the House effectively delivered. And ironically, it is more productive today despite the pandemic,” ani Gonzales. (Meliza Maluntag)


  •  
  •  
  •  

Loading...