Suporta ng Kamara sa legislative agenda ni PBBM, itotodo-House Speaker

Suporta ng Kamara sa legislative agenda ni PBBM, itotodo-House Speaker

July 26, 2022 @ 11:26 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naka-sentro sa economic recovery ang talumpati ni President Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang kauna-unahang state-of-the-nation address (SONA) dahil pangunahing inilatag ng pangulo na ang agrikultura ang susi sa paglago at trabaho.

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na malinaw ang paglalatag ng pangulo sa roadmap ng administrasyon sa loob ng anim na taon.

“The President clearly spelled out a roadmap of governance in his six years of office. His message was crystal-clear: the main focus of his administration will be economic recovery, with agriculture as the major engine for growth and employment,” sinabi ni Romualdez.

Ayon sa mambabatas, masusing pinag-aralan ng pangulo ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa mula sa pagreporma sa pagbubuwis at paggugol na gagawin ng gobyerno upang maagapayan ang pag-ahon ng bansa mula sa pagkalugmok bunga ng pandemya.

“The prospect of economic recovery looks bright with his plan to impose tax administration reforms and observe sound fiscal management. We also agree with his plan to prioritize government spending on items that will immediately address the economic scarring caused by the pandemic.”

Buo aniya ang suporta ng mga mambabatas sa layunin ng pangulo na inilahad sa SONA na maibsan ang pasanin ng mga magsasaka sa pamamagitan ng paglalatag ng mga panukalang magpapababa sa halaga ng farm inputs kabilang dito ang abono, pestisidyo at mga punla.

“President Marcos was spot on in identifying the major cause of low production in agriculture and high prices of agricultural goods, which is the high cost of inputs. The House of Representatives is committed to help him bring down the cost of farm inputs, including fertilizers, pesticides, and seeds,” dagdag pa ni Romualdez.

Binigyang diin pa ng speaker na sa mga inilahad na legislative agenda ni Pangulong Marcos sa kaniyang SONA ay sisiguraduhin na mapaplantsa ngayong 19th Congress.

“We are also in full support of his entire legislative agenda, including the key priority measures that he asked Congress to consider for legislation. We will act on these measures with dispatch. We, in the House of Representatives, expect to buckle down to work the soonest time possible in order to make President Marcos’ vision of a better nation a reality.”

Samantala, naniniwala rin si BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co na ang hangarin ni Pangulong Marcos na magamitan ng makabagong teknolohiya ang pagsasaka sa bansa ay maituturing na “game changer” sa bawat industriya.

“President Ferdinand Marcos Jr’s plans of action to ensure food security are laudable. Modernization in farming, more farm-to-market roads, strengthened value chain, and research as attack points are agreeable. One of the main points stressed is how technology can be the game changer in every industry — may it be in health, education, transportation, etc. Modernizing these industries will bring us to up to par with the world.”

Higit na nakatawag ng pansin para sa mambabatas ang agenda ng pangulo para sa kalusugan lalo na nang banggitin nito ang tuluy-tuloy na rollout ng booster shots, pagbabag sa pagdedeklara ng alert level system, pagbubukas ng merkado para sa murang gamot at ang pagtatatag sa Center for Disease Control.

“More specifically the creation of clinics and major hospitals like the Heart Center and NKTI but in the other parts of the country. Adding RHUs and clinics to far-flung areas is also a must. This is what is lacking and he sees what is lacking,” dagdag pa ni Co. Meliza Maluntag