Suporta ng publiko hirit ni BBM spox

Suporta ng publiko hirit ni BBM spox

May 10, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa kabila ng malaking lamang ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa partial and unofficial result ng Halalan 2022, hinikayat ng kanyang tagapagsalita ang publiko na suportahan ang dating senador.

“Dapat tayo we should rally behind our president-elect, kung sino man siya, at sa pagkakataong ito lumilinaw na tila si presidential frontrunner Bongbong Marcos,” apela ni Atty. Vic Rodriguez.

“Kailangan suportahan natin regardless of our political color, race, or belief because he is now the president of the country. He will be the president of the country, he will be the leader, we only have one nation, we only have one country and that is the Philippines,” aniya pa.

Inilahad ni Rodriguez na patuloy na isinusulong ni Marcos ang kanyang “unifying brand of leadership” sa mga Pilipino.

“Hinihingi niya ang tulong ng bawat Pilipino na kung saka-sakaling magpatuloy ito sa pagbubukas muli ng sesyon ng Kongreso at kung saka-sakaling malinaw na at siya ang maiproklama as president of the country, hinihingi niya ang tulong ng bawat Pilipino and going back to the way he announced his candidacy what he is offering up until today habang tayo’y nag-uusap, his unifying brand of leadership,” giit niRodriguez.

Patuloy na nangunguna si Marcos sa presidential race na may 30,806,693 boto na hanggang nitong alas-11:32 ng umaga, Martes. RNT/SA