Suporta ng Simbahang Katoliko sa diborsyo hirit ni Raffy Tulfo

Suporta ng Simbahang Katoliko sa diborsyo hirit ni Raffy Tulfo

July 9, 2022 @ 4:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hiniling ni Senator Raffy Tulfo ang suporta ng Simbahang Katoliko sa pagsusulong niya ng legalisasyon ng diborsyo sa Pilipinas.

Ang divorce bill ay isa sa pet bills ng baguhang senador.

“I am ready to sit for a dialogue with the Catholic Church, kung kanilang mamarapatin, upang ipaliwanag ang aking panukalang Divoce Law,” apela ni Tulfo nitong Huwebes.

Sinabi pa ng broadcaster-turned-politician na “out of respect for the different faiths and religions in our society and for their work to strengthen families, couples, and parenting, we acknowledge the fact that there are more spouses and couples in healthy harmonious relationships than those that are distressed and dysfunctional.”

Iginiit ni Tulfo said na nirerespeto niya ang canon law, mga ritwal at tradisyon ng Simbahankung kaya’t hinihingi niya ang suporta ng Church leaders, partikular na sina Cardinal-Bishop Luis Antonio G. Tagle, Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Bishop Pablo Virgilio S. David.

“I am taking a new approach towards finally giving distressed Filipino married couples the recourse of absolute divorce,” sabi niya.

“We understand the details, complexities, and hardships spouses go through. This is why our bill applies real-world workable and sustainable solutions,” patuloy niya. RNT/SA