Suporta ni P-Duterte sa mga car companies, buo at solido

Suporta ni P-Duterte sa mga car companies, buo at solido

August 2, 2018 @ 4:54 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Buo at solido ang suportang ibibigay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga car companies upang iangat ang antas ng automotive industry sa bansa.

Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng Toyota Motor Philippines ay pinasalamatan nito ang kompanya dahil sa naging ambag sa ekonomiya ng bansang nakapagbigay ng mahigit 55,000 na trabaho.

Labis namang ikinatuwa ni Pangulong Duterte ang pagiging katuwang ng naturang car manufacturer sa mga inisyatibo ng gobyerno tulad ng Comprehensive Automotive Resurgence Strategy Program (CARS) na naghahangad na makahikayat ng bagong investments at maipatupad ang mga regulasyon na maglalagay sa Pilipinas bilang “automotive manufacturing hub.”

At ang pangako ni Pangulong Duterte sa business community na poprotektahan ang kanilang mga inilagak na puhunan sa Pilipinas para sa ikauunlad ng mga negosyo nito.

Sa kabilang dako, sinabi ng Chief Executive na dapat lang ipangako ng mga negosyante na susunod sila sa mga batas at pangangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.

“The corporation has also been our government’s steadfast partner in many initiatives such as the Comprehensive Automotive Resurgence Strategy Program or CARS, which aims to attract more investments and implement regulations that will transform the Philippines into an automotive manufacturing hub. As we continue to institute reforms in governance, Toyota Motor Philippines can count on my full support as it continues to bring the standards of the automotive industry to greater heights,” aniya pa rin. (Kris Jose)