Suporta para sa salt farmers, hirit ng grupo sa PH gov’t

Suporta para sa salt farmers, hirit ng grupo sa PH gov’t

January 20, 2023 @ 3:06 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Dapat paigtingin ng pamahalaan ang suporta sa small salt farmers ng bansa, ayon sa Philippine Association of Salt Industry Networks nitong Biyernes.

Inihayag ni Gerard Khonghun, presidente ng grupo, na bagama’t mayroong ilang salt producers ang nag-upgrade ng kanilang teknolohiya para sa iodization, ilang small salt producers ang hindi makasabay dito.

“It’s not just technology or equipment or training, it also involves some change in distribution. Since it costs more you would have to have the consumer want to buy more expensive salt so that they could get proper iodine in their salt,” aniya.

“I think this is where we need more support for the small salt farmers.”

Ipinag-uutos ng salt iodization law, na ipinasa noong 1995, ang pagdaragdag ng iodine sa asin para alisin ang iodine deficiency disorders sa bansa.

Subalit, kinondena ito ng ilang senador, at sinabing ito ang naging mitsa ng paghina ng industriya.

“The law, instead of promoting, became a deterrent in the development of the local salt industry. It has neglected to develop new areas and invite new investors. It made all salt food grade. In 2021, it was reported that we only produced 7 percent of our salt requirements and imported 93 percent or 550,000 metric tons,” ani Sen. Cynthia Villar.

Upang matulungan ang producers hindi kayang maglagay ng iodize sa asin, sinabi ni Khonghun na mayroong mungkahi ng pagtatatag ng kooperatiba para matulungan sila sa iodization. 

Subalit para sa kanya, kailangang ang salt farmers ang magkasa ng inisyatiba kung nais nilang kumikha ng kooperatiba.

“These did not materialize. I think we can do better this time around,” sabi niya. “They need to see the benefits of iodization not just for the public but also for their own business. More incentives in this area, and I think more direct assistance would be called for.”

Nauna nang sinabi ng Malacañang na sinisikap ng Marcos administration ang modernisasyin ng salt industry sa bansa at palakasin ang produksyon ng asin. RNT/SA