Suporta sa ‘comfort women’, isabatas – DOJ

Suporta sa ‘comfort women’, isabatas – DOJ

March 10, 2023 @ 4:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magkakasa ng dayalogo si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Senado at Kamara upang magpasa ng kaukulang batas na susuporta sa mga biktima ng sexual slavery sa panahon ng World War II ng mga sundalong Hapon.

“We will have to talk to Congress, to the House Speaker, and to the Senate President about the legislation necessary to act on this matter about comfort women kasi hindi tayo nakapag-pass ng legislation,” sinabi ni Remulla kasabay ng isang ambush interview.

“Hindi natapos ‘yung trabaho before so we have to continue doing the job. Kasi that’s part of the international obligations that we have,” dagdag pa niya.

Ang aksyong ito ay kasunod ng pagsusuri ng United Nations committee na lumalabas na nilabag ng Pilipinas ang karapatan ng mga comfort women
“by failing to provide reparation, social support and recognition commensurate with the harm suffered.”

Inirekomenda ng UN Committee on the Elimination of Discrimination against Women (CEDAW) ang mga complainants na makatanggap ng “full reparation, including recognition and redress, an official apology and material and moral damages” mula sa pamahalaan.

Ani Remulla, umaasa siyang matutugunan ito kaagad dahil ayaw niyang mahuhuli ang hustisya sa mga biktima.

“That’s history and something that is common, most known to us. And ang sense naman diyan syempre, you never want justice to be too late kasi ilan na lang ang nabubuhay sa kanila. Kaya sana mahabol pa natin,” giit ni Remulla.

Aniya, makikipagpulong din siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Marso 12 upang pag-usapan ang bagay na ito. RNT/JGC