Suporta sa green post-pandemic recovery, ipinanawagan ni PBBM sa APEC

Suporta sa green post-pandemic recovery, ipinanawagan ni PBBM sa APEC

November 18, 2022 @ 4:32 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-adopt ng mga polisiya na upang ipakilala ang green post-pandemic recovery habang ang buong mundo ay nakababawi na sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

“My dear colleagues, as the world emerges from the downturn caused by the pandemic, it is evident that recovery has been uneven — perhaps even I would go so far to say it has been inequitable and insufficiently supportive of a green transition. Economies must leverage this opportunity to recalibrate policies to promote a green post-pandemic recovery,” ayon kay Pangulong  Marcos sa kanyang naging interbensyon sa  29th APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) Retreat Session.

“It is for these reasons that the Philippines welcomes and supports the adoption of the Bangkok Goals on the Bio-Circular-Green (BCG) Economy, which is a concrete initiative that will lead the Asia-Pacific region towards a sustainable future,” ang wika ni Pangulong Marcos.

Ang BCG Economy model aniya ay nakahanay sa agenda ng administrasyon na lumikha ng green and quality jobs, tiyakin ang isang angkop na pagtugon sa lahat ng miyembro ng ekonomiya at bawasan ang vulnerabilities mula sa COVID-19 pandemic.

Ang Pilipinas, ayon kay Pangulong Marcos, tinukoy ang adoption ng  Sustainable Finance Roadmap nito kung saan nakalatag ang whole-of-government approach  para ipakilala ang sustainable finance at green policies.

Kahalintulad na rin ng sa hanay ng  socioeconomic priorities ng gobyerno ay ang paglalayong bilisan ang  pagsasakatuparan ng Green Jobs Act at ang pagtatatag ng green jobs certification system at incentive schemes, pagbuo sa green workforce, at magpalabas ng green bonds para sa  infrastructure program nito.

“The Philippines also has the unique opportunity to leverage the tools of sustainability to improve the resilience of people and businesses,” ayon sa Pangulo.

“We actively support the adoption of innovative and sustainable supply chain systems and circular economy models that can systematically collect non-biodegradable packaging and agricultural and industrial waste for recycling and upcycling,” winika nito. Kris Jose