Suporta sa mga magsasaka siniguro ng DAR chief

Suporta sa mga magsasaka siniguro ng DAR chief

February 24, 2023 @ 12:09 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III na patuloy na bibigyan ng kapangyarihan ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng lahat ng kinakailangang support services na kailangan para matiyak ang kanilang tagumpay.

Ang pangakong ito ni Estrella ay ipinabati sa pamamahagi niya ng electronic land titles (e-titles) sa may 175 magsasaka na benepisyaryo sa lalawigan ng Aklan.

Kaugnay nito namahagi si Estrella ng 183 e-title na binubuo ng kabuuang 304.9723 ektarya ng mga lupang pang-agrikultura sa Aklan sa ilalim ng DAR’s Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.

Samantala, sinabi ni DAR Western Visayas Regional Director Sheila Enciso na ang mga e-title na ipinamahagi noong Pebrero 16 ay matatagpuan sa mga bayan ng Altavas, Buruanga, Ibajay, Libacao, Madalag, at Malay.

“The ARBs’ long wait will be paid off as they can soon fully enjoy the fruits of their hard work by making their lands productive,” ani Enciso.

Samantala, bukod sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa, nag-turn-over din ang DAR ng P8.4 million double-lane modular steel bridge sa ilalim ng Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-Agraryo (TPKP) project.

Nagbigay din ng farm machinery and equipment (FME) na nagkakahalaga ng PHP275,850 sa mga piling ARB organizations (ARBOs) sa ikalawang distrito ng Aklan.

Idinaos din ang groundbreaking ng PHP50 milyong farm-to-market roads na nakikinabang sa humigit-kumulang 20,000 magsasaka sa lalawigan. Santi Celario