Suporta sa Russia ipinangako ni Xi Jinping vs int’l pressure kay Putin

Suporta sa Russia ipinangako ni Xi Jinping vs int’l pressure kay Putin

December 16, 2021 @ 2:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Ipinangako ni Chinese President Xi Jinping ang suporta sa pagsisikap ng Russia na maprotektahan ang seguridad nito sa gitna ng international pressure sa pakikitungo ng Moscow sa Ukraine.

Sa isang video call kasama ang kanyang Russian counterpart na si Vladimir Putin nitong Miyerkules, sinabi rin ni Xi na tinututulan ng China at Russia ang mga tangkang paghiwalayin ang dalawang bansa at nanawagan para sa joint actions upang mapangalagaan ang kani-kaniyang security interests.

Patuloy pa ni Xi, nagpapasalamat umano siya sa suporta ni Putin sa China sa pagdepensa sa mga interes nito, at sa pagtutol sa mga tangka na paghiwalayin ang China at Russia. Samantala, ipinahayag naman ni Putin expressed ang suporta sa paninindigan ng Beijing sa Taiwan.

“China and Russia are both major nations with global influence,” sabi ni Xi. “China will, as always, firmly support Russia’s efforts to maintain the country’s long-term stability,” dagdag niya.

Ang naturang pagpupulong ay kasunod ng pagharap ng dalawang bansa sa diplomatic pressure mula sa mga kanlurang bansa, kung saan nagbabala ang United States at iba pang miyembro ng Nato na huwag sasakupin ang Ukraine.

Matatandaan ding hindi imbitado ang China at Russia sa democracy summit sa Washington kamakailan. RNT/SA