Supporters ni Pacquiao dedma na sa health protocol

Supporters ni Pacquiao dedma na sa health protocol

October 1, 2021 @ 10:17 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sa pag-arangkada ng paghahain ng Certificate of Candidacy, nagkalat na rin sa kalsada ang mga supporter ng mga pulitiko.

Kapansin-pansin maagang-maaga pa lamang kumpolan na ang mga supporters ni Senator Manny Pacquio tatakbo sa posisyon bilang presidente.

Simula harapan ng National Museum, Katigbak Drive hanggang dulo ng Roxas Boulevard ay nagkalat ang mga supporters nito na hindi na nasunod ang ipinatutupad na health protocol lalo na ang physical distancing.

May mga hindi maayos ang pagsusuot ng facemask at kumpulan ang mga tao.

May dala-dala rin silang maliit na bandila na iwinawagayway bukod pa sa pawang mga nakasuot ng puting tshirt.

Si Pacquio ay maghahain ng kanyang kandidatura ngayong umaga sa Sofitel tent sa Pasay City.

Dumaan naman ito sa Luneta bago dumiretso sa Sofitel kung saan nakasakay ito sa double decker bus.

Ang mga supporters ni Pacquiao na matyagang naghintay para lamang masilayan ang kanilang iniidolo at sinusuportahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •