Supporters ni Toni, pumalag sa pang-ookray ni Ogie!

Supporters ni Toni, pumalag sa pang-ookray ni Ogie!

January 16, 2023 @ 7:48 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Pumalag ang mga supporter ni Toni Gonzaga sa ginawang pang-ookray ni Ogie Diaz.

Mariing sinabi ng mga naturang taga-suporta ni Gonzaga na marahil ay naiinggit lamang siguro si Ogie kay Toni lalo pa’t may concert ang singer/actress sa Araneta Coliseum sa darating na Enero 20.

Ayon pa sa mga ito, sobreng tagal na sa industriya ni Ogie na dati umanong tindero sa isang publication at ginawang reporter ng matandang laos na host, pero parang hindi nito alam na kapag may concert ang isang artist, may sponsor ito.

Naging usap-usapan kasi sa social media ang mga parinig ni Ogie tungkol sa free tickets na pinamimigay para sa concert ni Toni.

Dagdag pa ng mga supporters ni Gonzaga, malamang daw diumano’y hindi pa nakapag-produce ng concert sa Araneta si Ogie o walang makuhang isponsor para magpakonsert para sa mga hinahawakang talent ls kaya ganu’n na lang ang pagpuputak nito.

Natural lang kasi na binibigyan ng free tickets ang sponsor lalo pa’t naglalabas ito ng malaking pera para sa proyekto.

Sa puntong ito, ipinapakita lang daw umano ni Ogie na wala itong alam sa pagpo-produce ng concert lalo na kung bigtime.

Nagpaalala pa ang mga taga-suporta kay Ogie, na tumingin din sa salamin at baka nakakalimutan nitong may bahid din ito ng dungis, at dapat maghinay-hinay sa pagpuna lalo na sa isang artist na mabait at may takot sa Diyos.

Biniro naman ng isang netizen si Ogie na baka hindi ito imbitado sa presscon ng AllTV network ng mga Villar kaya nagpuputak. Baka gusto lang daw ma-interview ni Ogie si Toni kaya nagpapapansin.

Bakit hindi na lang ito magpaalam at baka mapagbigyan pa siya nito? Pero dapat daw ay hindi ambush interview. JP Ignacio