Surgical outreach hatid ng Pinoy doctors, nurses

Surgical outreach hatid ng Pinoy doctors, nurses

September 12, 2022 @ 9:38 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigit 100 Pilipinong doktor at operating room nurses ang nagsagawa ng simultaneous surgical procedures sa buong bansa upang maibsan ang backlog ng surgeries dahil sa COVID-19 pandemic.

Base kay Dr. Ramon Inso, presidente ng Philippine College of Surgeons, limitado ang elective operating surgeries sa kasagsagan ng lockdown.

“The effect of the COVID-19 pandemic was really very deep in terms of being unable to do the surgery on patients who really need them,” paglalahad niya.

Dahil dito, nagkasa ang PCS, ilang chapters nito, ang Philippine Society of Anesthesiologists, at ang Operating Room Nurses Association of the Philippines ng libreng surgical procedures para sa indigent patients.

Mahigit 80 private at public hospitals ang nakibahagi sa event na tinaguriang “National Surgical Outreach Day,”Β  na umarangkada noong Setyembre 5. Isinagawa ang simultaneous cutting was sa pamamagitan ng Zoom.

“We want to show to the world that we are doing our part as surgeons, as anesthesiologists, as operating room nurses. We are contributing to help address the unmet or neglected surgeries in the country,” sabi ni Inso.

Halos 140 surgical procedures ang naisagawa sa event.

“This is the first one that has been done and I’m not aware of any other,” dagdag niya.

Ang pagkaantala ng surgery para sa mga sakit kagaya ng as cancer ay may epekto sa health outcomes ng mga pasyente, giit ni Inso.

“After na-lift ‘yung lockdown, they came to me. Wala na. Very huge na ‘yung mga tumors nila. Instead of Stage 2, naging Stage 3, even Stage 4,” aniya.

“Alam naman natin ‘pag cancer, the earlier the stage, the better chances for a favorable outcome or even cure. We just lost the chance for the best outcome kaya ito ang naging problema,” dagdag niya.

Inihayag naman ni Inso na balak ng grupo na ipagpatuloy ang surgical outreach.

“Very successful ang undertaking. In fact, there is a plan to continue with this one. Hopefully on a yearly basis,” sabi niya. RNT/SA