Surigao del Norte inuga ng M-3.6 lindol

Surigao del Norte inuga ng M-3.6 lindol

December 8, 2022 @ 6:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inuga ng 3.6 magnitude na lindol ang Surigao del Norte kanina (Huwebes) iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang Intensity 1 na lindol sa Surigao City, Surigao del Norte dakong ala-1:12 ng hapon.

Sinabi ng Phivolcs na ang location ng lindol ay namataan sa silangan ng Burgos (Surigao del Norte).

Nabatid pa sa ahensya na ang origin ng lindol ay tectonic.

Wala naman iniulat na napinsala o inaasahan aftershocks sa naturang lindol. Santi Celario