Surigao niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Surigao niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

October 26, 2022 @ 7:39 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.2 ang Surigao del Sur nitong Martes ng gabi, Oktubre 25.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naitala ang sentro ng lindol 37 kilometro hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur bandang 9:20 ng gabi.

May lalim itong 64 kilometro at tectonic in origin.

Samantala, naramdaman ang pagyanig ng lindol sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V – Lingig, at Bislig City, Surigao del Sur
Intensity IV – Lianga, at Hinatuan, Surigao del Sur
Intensities III – Monkayo, Nabunturan, New Bataan, Laak, Compostella Valley, at Montevista, Davao de Oro
Intensity II – Maco, Mawab, at Pantukan, Davao de Oro
Intenisty I – Cagwait, Surigao del Sur; Bayugan, Agusan del Sur

Wala namang inaasahang pinsala sa nangyaring lindol ngunit asahan na ang aftershock.

Matatandaan na kagabi rin ay tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Abra ilang sandali makalipas ang lindol na ito sa Surigao. RNT/JGC