Surigao Vice Gov, 4 pa himas-rehas sa investment scam

Surigao Vice Gov, 4 pa himas-rehas sa investment scam

June 10, 2022 @ 11:29 AM 3 weeks ago


BUTUAN CITY – Arestado ang bise gobernador at apat na iba pa sa ginawang operasyon ng mga awtoridad matapos masangkot sa kasong investment scam, Huwebes sa Surigao del Sur.

Kinilala ni Brig. Gen. Romeo Caramat Jr, Police Regional Office-Caraga Region director, ang mga nadakip na sina outgoing Surigao del Sur Vice Gov. Librado Navarro, 64; Letecia Navarro, 55, ng Marihatag, Surigao del Sur; Esteve Cirene Macheca, 33, ng Lianga, Surigao del Sur; Suad Asad Fayyad, 24, at Lafi Asad Fayyad, 25, kapwa taga Malate, Manila.
Nahuli ang mga suspek sa isinagawang operasyon ng Surigao del Sur Police Provincial Office sa Barangay Poblacion, bayan ng Lianga.

Sa Navarro, Letecia at Macheca ay may arrest warrant na may petsang June 7, 2022, na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 28, Lianga para sa kasong syndicated estafa.
Dawit pa rin ang bise-gobernador kasama si Fayyad, na may standing arrest warrants para sa two counts of charges for violation of Republic Act 8799, or the Securities Regulations Code na ipinalabas rin June 7, 2022, ng Regional Trial Court Branch 27 Gingoog City, Misamis Oriental.

Matatandaan na nitong Marso 17 ay dinakip rin ng mga awtoridad si Librado sa dalawang bilang ng kasong estafa.

Tumakbo rin si Librado bilang alkalde sa Bislig City sa katatapos na May 9 elections subalit hindi ito pinalad.

“Again, I remind the public not to be enticed by people or businesses that promise big interests. Those who offer impossible returns are frauds,” ani Caramat./Mary Anne Sapico