Manila, Philippines – Nagsagawa ng surprise drug test ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa kanilang mga tauhan mula sa Station 1 hanggang Station 11 Drug Enforcement Team.
Nasa 300 personnel, kasama ang kanilang team leader ang isinalang sa drug test ngayong alas 7 ng umaga.
Ang surprise drug test ng SDET personnel ay isinagawa sa MPD Multipurpose Hall United Nation Avenue, Ermita, Maynila.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng paglilinis ni MPD District Director, PCSupt. Rolando B. Anduyan, upang makatiyak at masubaybayan ang mga kagawad ng SDET ng MPD ay hindi sangkot sa paggamit o mga aktibidad na may kinalaman sa bawal na droga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)