Surprise drug test sa MPD station 7

Surprise drug test sa MPD station 7

July 31, 2018 @ 3:04 PM 4 years ago


 

Tondo, Maynila – Nagsagawa ng surprise drug test ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga personnel ng MPD-Station 7 (Jose Abad Santos) sa Tondo, Manila.

Ayon kay MPD Director P/Chief Supt. Rolando Anduyan, dakong 7:00 ng umaga nang isagawa ang drug test sa lahat ng PS-7 personnel, sa likod ng Station Base, Barangay Hall ng Barangay 216.

Bahagi aniya ng internal cleansing ng MPD upang matiyak na lahat ng kanilang tauhan, partikular na ang mga kabilang sa Station Drug Enforcement Team (SDET), ay hindi sangkot sa anumang illegal drug activities.

Layunin rin nitong matiyak na lahat ng kanilang personnel ay tumatalima sa kanilang commitment na pagsilbihan at protektahan ang komunidad laban sa iligal na droga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)