Navotas City – Tatlompu’t siyam na mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang biglaang sumailalim sa drug test ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) at Navotas Drug Testing Center (NDTC) kaninang umaga sa loob ng Navotas City Jail (NCJ).
Ayon kay NCJ warden Supt. Ricky Heart Pergalan ang biglaang isinagawang drug test ng kanyang mga tauhan ay isa sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs at programa bilang paglilinis sa loob ng kanilang hanay sa BJMP.
Dagdag pa ni Pergalan ito ay personal na kahilingan ng NADAC at NDTC para masiguro na ang kanilang hanay sa jail guards ng NCJ ay hindi sangkot sa iligal na droga.
Ang nasabing jail warden na isa ring abogado ay naniniwala na para maiwasan na magkaroon ng smuggle sa illegal drugs sa loob ng jail facility.
Tatlo naman sa mga jail guard ang hindi nakasama sa surprise drugtest dahil ang mga ito ay nasa official leave.
Ang magiging opisyal na resulta ng nasabing drug test ay malalaman pa sa Lunes July 15 at kapag may magpositibo ay kanila agad itong isa-subject para sa confirmatory test.
Kung sakaling positive ang kinalabasan sa nasabing confirmatory test, ay ipapadala sa office of Regional Director of BJMP Regional Office-National Capital Region for dismissal proceedings. (Roger Panizal)
PHOTO: REMATE FILE