‘Surprise drug tests’ ikakasa ni Abalos sa BJMP

‘Surprise drug tests’ ikakasa ni Abalos sa BJMP

August 10, 2022 @ 4:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magsasagawa ng surprise drug tests si Department of the Interior and Local Government  (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga kulungan na pinamamahalaanan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa isang kalatas, sinabi ng DILG na nagbabala si Abalos  bunsod na rin ng mga ulat na may big-time drug lords ang di umano’y nago-operate sa loob ng mga bilangguan.

Araw ng Martes, sa isinagawang command visit sa  BJMP National Headquarters, sinabi ni  Abalos na: “I will personally go to our jails and I will be conducting surprise drug testing of BJMP personnel and PDLs in those jails.”

“Magpapa-urinalysis ako sa  jails. So I’m warning each and every BJMP warden and personnel, kapag may nagpositive, then it means na may nakapasok na droga sa mga jail facilities natin,” dagdag na pahayag nito.

Ani Abalos, nagagawa ng mga drug lords na  mag-operate  sa loob ng mga bilangguan dahil mayroong komunikasyon at contacts ang mga ito sa labas.

Inirekumenda naman ni Abalos ang paggamit  ng  signal jammers upang maputol ang  komunikasyon ng mga ito.

 “We need to cut their communication. They use phones to conduct their drug trade. So we need signal jammers to stop their communication outside,” anito.

Samantala, gusto rin ni Abalos na magsagawa ng testing para sa  posibleng communicable diseases bago i-admit  ang mga tao sa bilangguan.

Target ni Abalos ang medical screening at  physical exams  bago pa ang admission dahil na rin sa posibleng pagkalat ng sakit sa congested cells.

“Kung pwede tayong mag-conduct ng test para sa [tuberculosis], test para sa HIV at hepatitis para sa [persons deprived of liberty], mas mainam kapag magawa natin ito,” ayon kay Abalos sa isinagawang  pagbisita sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) National Headquarters, araw ng Martes.

 “After all, at risk ang greater population sa loob ng mga jails kung may infected na individual,” dagdag na pahayag nito.

Ani Abalos, ang paglaganap ng  impeksyon ay mabilis sa mga “congested jail facilities.”

Ipinanukala rin nito ang paglikha ng memorandum circular kaugnay sa “prevention and response” ng BJMP  na may kinalaman sa monkeypox.

“As of June 30, 2022, the DILG said that the BJMP has a total of 131,193 PDLs in 477 jails nationwide, which translates to a 387% congestion rate with 337 jails congested,” ayon sa ulat.

Ani Abalos,  ang BJMP ay dapat na magpalabas ng “out of the box” solutions para tugunan ang  jail congestion. Kris Jose