Survey sa online sabong ikinasa ng PIA

Survey sa online sabong ikinasa ng PIA

December 4, 2022 @ 12:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ikinasa ng Philippine Information Agency (PIA), ang information arm ng pamahalaan ng bansa, ang kanilang survey patungkol sa kontrobersyal na e-Sabong o pagtaya online sa isinasagawang sabong.

Ani Ramon Lee Cualoping III, PIA director general, obligado umano ang mga regional offices ng ahensya na magsagawa ng quick response survey upang malaman ang kanilang mga karanasan at pananaw sa e-Sabong.

“As part of our agency’s research support for policy making within the executive branch, all regional offices are hereby directed to conduct data gathering … on online E-Sabong,”saad sa moratorium na inilabas ni Cualoping.

Matatandaan na noong Mayo 2022 ay ipinag-utos ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng online cockfighting dahil nakasisira umano ito sa kaugalian ng mga Filipino at nalululong sa bisyong ito ang ilang miyembro ng pamilya.

Ani Duterte, nakarinig din siya ng mga istorya na nagsasangla na ng mga gamit para lamang makatalpak.

Ilang buwan pa bago nito, una nang inirekomenda ng Senado ang suspensyon ng e-Sabong kasunod ng pagkawala ng nasa 30 sabungero noong Abril 2021.

Nagsimula na noong Martes, Nobyembre 29 ang survey ng PIA at inaasahan magtatapos bukas, Disyembre 5.

Ayon sa survey briefer, makasisiguro na tago ang mga impormasyon na makokolekta sa mga lalahok sa survey. RNT/JGC