Susan Henson, pumanaw na!

Susan Henson, pumanaw na!

September 23, 2022 @ 8:00 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Cervical cancer ang sanhi ng pagkamatay ng dating artistang si Susan Henson.

She was 64.

Born April 15, 1958, si Susan ay nagmula sa malawak na angkan ng mga Salvador sa showbiz.

Taglay niya ang isa sa mga pinakamagandang mukha noong dekada 70.

Ang kaibigan niyang si Liz Alindogan ang nagbalita ukol sa kanyang pagpanaw kaharap sina Daria Ramirez at Azenith Briones.

Naging pasaporte ni Susan sa showbiz ang pagkapanalo niya bilang Miss Young Republic of the Philippines.

Disisiyete anyos lang si Susan nang makagawa ng pangalan sa showbiz.

Una siyang ipinakilala sa pelikulang Diwang Kayumanggi: Ang Prinsesang Magdirigma.

Paboritong kunin si Susan bilang leading lady nina Ramon Revilla Sr., Jun Aristorenas at Bernard Bonnin.

Buhat nang magkasakit ay tinulungan pa si Susan ng grupong Balik Samahan ng mga beteranong artista.

Naibalita noon na nakikita si Susan sa ilang showbiz gathering na tila balisa.

Walang balita kung nagkaroon siya ng sariling pamilya at kung bakit namahinga siya sa showbiz.

Kahit may edad na, bakas pa rin ang ganda ni Susan.

Nai-cremate na ang mga labi ni Susan nitong Huwebes, isang araw pagkatapos ng kanyang pagpanaw. Ronnie Carrasco III