Suspek, 3 biktima sa sagasa ng tren, kinilala na

Suspek, 3 biktima sa sagasa ng tren, kinilala na

August 23, 2021 @ 10:22 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kinilala na ang tatlong menor de edad na nasagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) kagabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa pulisya na sila ay sina Alfred Visagar, 17, residente ng Bagumbayan, Bacood; Jayvee John Luna, 16, nakatira ng V Fancisco; at Rico Devilla y Marasigan, 17, taga-Peralta St., Sta Mesa, Maynila.

Natunton naman ang mga driver ng PNR train na may body number na 1831 na sina Ronald Antonio at Eric Nase.

Ayon sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, binabaybay ng mga biktima ang northbound ng PNR rail road sa Anonas St, Sta.Mesa  nang mahagip ng tren dakong alas 6:25 ng gabi.

Sa naunang ulat sinabi ng isang residente na si Adrian Perlas, na hindi kilala sa lugar ang mga biktima na balak lamang sanang maglaro ng basketball ngunit hindi batid kung saan tatabi nang marinig ang busina.

Dahil sa lakas ng impact, isa sa biktimanang napugutan pa ng ulo at halos hindi na rin makilala ang kasamahan nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden