Suspek na gumahasa sa Gr. 12, ‘di namin empleyado-Winford Manila

Suspek na gumahasa sa Gr. 12, ‘di namin empleyado-Winford Manila

August 25, 2022 @ 12:23 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Winford Manila Resort and Casino sa Consuelo Street, Sta. Cruz, Manila na hindi nila empleyado ang unang napaulat na technician na nanggahasa sa isang Grade 12 sa Tondo, Manila.

Ayon sa kompanya, ang suspek na si Ibarra Illescas, residente sa Yuseco St, Raxabago, Tondo ay driver/personal assistant umano ng pamilya ng biktima.

Maalala na inireklamo ang suspek ng 18-anyos na estudyante sa tanggapan ng Manila Police District- Special Mayor’s Reaction Team.

Kasama ng kanyang magulang, pinuntahan ng pulisya ang suspek sa nabanggit na hotel kung saan siya naaresto.

Kinasuhan ng paglabag sa Anti-Rape law ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden