Suspek na pumatay sa kinakasama, tuliro pa rin, sinuotan ng helment ng pulisya

Suspek na pumatay sa kinakasama, tuliro pa rin, sinuotan ng helment ng pulisya

March 14, 2023 @ 1:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Matapos na maaresto ang suspek na brutal na pumatay sa kanyang kinakasama ay hanggang sa ngayon ay tuliro pa rin ito at hindi pa rin ito makausap, ayon sa pulisya.

Matatandaang nag-viral nitong weekend ang brutal na pagsaksak ni Edson Jamisula sa kanyang kinakasamang si Kimberly Achas.

Ayon sa ulat ay nagtamo ng 16 na saksak sa leeg ang biktima na kanyang ikinasawi kahit pa naisugod siya sa ospital.

Base kay PMSgt. Paulo Engbino, hindi pa rin nakakausap nang maayos si Jamisula. Hindi pa rin ito kumakain o natutulog.

Nang iharap sa piskal ay nakatingin lang umano ito sa Huwes at hindi sumasagot, dagdag pa ng pulisya.

Kumalat naman sa internet ang litrato ni Jamisula na pinagsuot ng helmet matapos mahuli.

Paliwanag ni Engbino na ginawa nila ito dahil inuuntog ng suspek ang ulo nito. RNT