Suspek na pumatay sa live-in partner, anak, nanlaban, patay

Suspek na pumatay sa live-in partner, anak, nanlaban, patay

February 7, 2022 @ 7:11 AM 8 months ago


CEBU CITY- DEDO ang isang lalaki na suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner at anak matapos manlaban sa ginawang operasyon ng mga awtoridad kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang napatay na suspek na si Janjan alyas Moko Dejan, at residente sa Bgy. Sta. Cruz, Cebu City.

Batay sa report ng Abellana Police Station, dakong 7:45 AM kahapon ng makaengkwentro ang suspek sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report mula sa mga residente na namataan ang suspek sa nasabing lugar na pagala-gala at armado ng baril at patalim.

Agad naman rumesponde ng mga pulis sa lugar subalit mabilis na tumakbo ang suspek patungo sa Bgy. Pasil.

Sinilip ng mga awtoridad ng CCTV sa barangay at nakita ang direksyon ng suspek sa may F. Rallos St. at Caban St., Barangay Pasil na siyang sinundan ng mga otoridad.

Naabutan nila ang suspek na naglalakad subalit ng makita sila nito ay mabilis na kumaripas ng takbo at nagpaputok ng baril.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek sa katawa na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Nakuha mula sa suspek ang 9mm caliber na baril.

Matatandaan na pinatay ng suspek dahil sa selos kamakailan ang kanyang live-in partner na si Jennelyn Bontilao, 31, promodiser, at Hannah Ouano, 15.

Habang patuloy naman nasa maselang kondisyon sa ospital ang isa pa nitong anak na si Joanna Ouano, 11.

Nahaharap ngayon sa 2 kasong pagpatay ang suspek at frustrated murder. MaryAnn Sapico