Suspek sa Dacera case: Dumalo sa New Year party, mga bakla

Suspek sa Dacera case: Dumalo sa New Year party, mga bakla

January 6, 2021 @ 8:19 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ng isa sa mga suspek sa umano’y rape-slay ng isang flight attendant na hindi nila masasaktan si Christine Dacera.

Kasi lahat po sila mga bakla na nakikisali sa kaniya. For me po kasi, parang ang impression kasi niya mahilig siya makipag-hang out kagaya namin [LGBT]. Komportable po siya sa amin. Kasi the entire time po, komportableng-komportable siya sa isa’t isa sa amin,” ayon kay Gregorio de Guzman.

Tinatwa naman ni de Guzman ang pahayag ng Makati police chief na “gays are still men, especially if they’re intoxicated.”

“For me po, never po ako nagkaroon ng sexual relations sa isang babae. Never po ako tinayuan sa isang babae. Palagi pong lalaki. Madami po makaka-testify niyan,” punto ni de Guzman.

Si de Guzman ay anak ni singer Claire dela Fuente na unang sinabi na kakikilala lamang niya kay Dacera sa nasabing party.

Samantala, muling nagpasagawa ng autopsy ang pamilya Dacera dahil naniniwala ang mga ito na hindi aneurysm ang ikinamatay ni Christine. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...