Suspek sa droga patay sa engkuwentro sa Cavite buy-bust; 33 iba pa kulong

Suspek sa droga patay sa engkuwentro sa Cavite buy-bust; 33 iba pa kulong

January 29, 2022 @ 3:09 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Naic, Cavite, batay sa ulat.

Kinilala itong si Diego Flores na binawian ng buhay nang manlaban at mauwi sa engkuwentro ang pag-aresto sa Barangay Timalan Concepcion.,

Base pa sa mga pulis, naaresto rin dito ang 33 drug suspek sa isinagaang magdamagang operasyon laban sa droga.

Nakumpiska rito ang 105 hinihinalang sachet ng shabu (crystal meth), dalawang sachet ng dried marijuana leaves at drug-using paraphernalia.

Samantala, 14 kriminal din ang naaresto kung saan 11 ang nagsusugal at lima naman ang suspek sa minor at major offenses.

Sa kabuuan, nasita rin ng mga pulis-Cavite ang 3,528 kataong lumabag sa health at safety protocols laban sa coronavirus disease (COVID-19). RNT/FGDC