Suspek sa Gov. Adiong ambush patay sa mga parak

Suspek sa Gov. Adiong ambush patay sa mga parak

February 22, 2023 @ 9:53 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay sa mga parak ang isa sa mga suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr., noong Pebrero 17, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang pahayag sinabi ng PNP na iniulat ni Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region chief Police Brigadier General John Guyguyon na ang suspek, na kinilala lamang sa pangalang ā€œOtin,ā€ ay napatay sa isinagawang pursuit operation mula Pebrero 17 hanggang 19.

Si Otin, ayon sa PNP, ay anak ng isang alyas ā€œFighter,ā€ isa sa mga suspek sa pananambang na hanggang ngayon ay atlarge.

Sinabi ng PNP na patuloy na nagmomonitor at nakikipag-ugnayan ang mga imbestigador sa mga biktima at kanilang mga pamilya para makuha ang kanilang mga pahayag hinggil sa insidente para sa pagsasampa ng kaukulang mga reklamong kriminal.

Noong Pebrero 17, tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki ang convoy ni Adiong sa Kalilangan, Bukidnon at napatay ang apat sa kanyang mga kasama.

Kinilala ang mga nasawi na sina Police Staff Sergeant Mohammad Jurai Mipanga Adiong, 40; Police Corporal Johanie Lawi Sumandar, 39; Police Corporal Jalil Ampuan Cosain, 40, at isang driver na kinilala lamang sa pangalang Kobi.

Sugatan si Adiong at ang dalawa niyang tauhan sa pag-atake. RNT