Suspek sa ‘kill plot’ vs BBM sumuko na

Suspek sa ‘kill plot’ vs BBM sumuko na

February 9, 2022 @ 10:10 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng abogadong si Vic Rodriguez, na siya ring tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nitong Miyerkules na sumuko na sa awtoridad ang indibidwal na nasa likod ng ‘kill plot’ laban sa dating senador.

“I was just on the phone this morning with Deputy Director De Guzman of the NBI. Sumuko na sa kanila ‘yung taong nag-post ng death threat na ‘yan kahapon. Ngayon, aasikasuhin din namin at nang makilala ‘yung taong ‘yan at gaano kalalim ‘yung extent ng kanilang pananakot,” giit naman ni Rodriguez sa interview sa ANC.

Samantala, maging ang NBI ay kinumpirma ang nasabing ulat.

 

“Confirmed, nag-surrender sa NBI but (I am) still waiting for other details,” ayon naman sa kumpirmasyon ni National Bureau of Investigation spokesperson Ferdinand Lavin sa GMA News Online.

Matatandaang maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay kinumpirma noon na nakatanggap ng online tip ang Office of Cybercrime (OOC) ng DOJ tungkol sa umano’y planong pagpatay laban kay Marcos.

Sinabi ng kampo ni Marcos na tinuloy ng OOC ang imbestigasyon matapos makatanggap ng TikTok post na nagsasabing, “WE ARE meeting everyday to plan for BBM’s assassination. Humanda ka.”

Sinabi ni Rodriguez na ang umano’y pakana ang dahilan kung bakit labis na nag-iingat ang kampo ni Marcos hinggil sa pagbubunyag ng mga detalye sa pinagdaanan ng kampanya ng dating senador.”

“For the media, hindi rin totoo na gulatan or biglaan. May mga naka-detail sa aming mga reporters na halos lahat ng istasyon. Ngayon lang kami medyo nag-iingat because of the death threat on the life of presidential candidate Bongbong Marcos,” paliwanag niya. RNT