Suspek sa Lapid slay na si Zulueta, buhay at nagtatago – DOJ spox

Suspek sa Lapid slay na si Zulueta, buhay at nagtatago – DOJ spox

December 7, 2022 @ 4:41 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad si
Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, ang isa sa key suspects sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ito ang sinabi ng Department of Justice nitong Miyerkules, Disyembre 7 kung saan sinabi rin nito na buhay at nagtatago lamang si Zulueta.

“The information that we’ve gotten recently leads us to believe that Mr. Zulueta is still alive,” pahayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano sa panayam ng CNN Philippines.

“The general feeling of the law enforcement agencies is that Mr. Zulueta is still out and about and of course we would want to get to him in order to complete the chain of communication,” dagdag niya.

Si Zulueta ang isa sa itinuturong sangkot sa pagpatay kay Lapid kasama si suspended BuCor chief Gerald Bantag.

Halos isang buwan na rin, kung matatandaan, nang sampahan ng kasong murder ang dalawang nabanggit na opisyal ng ahensya kasama ang iba pang personalidad na pawang mga gang leaders sa loob ng New Bilibid Prison.

Ibinahagi naman ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa isang media briefing noong Nobyembre 7 na bago pa man inihain ang reklamo ay nagtatago na si Zulueta.

Sa kabila ng pagtatago, sinabi ni Clavano na hindi naman ito makakaapekto sa ebidensyang nagtuturo kay Bantag bilang mastermind.

“It’s the totality of evidence that we are looking at here, so even without Mr. Zulueta in the picture, we believe that everything that’s been said in the sworn affidavits, which will be reaffirmed in the preliminary investigation, will all still point to the respondent,” ani Clavano.

“Of course, it would really be helpful if we found Mr. Zulueta, but at the same time, it’s still a case without him,” dagdag pa niya. RNT/JGC