Suspek sa Maguindanao ambush, kinasuhan na

Suspek sa Maguindanao ambush, kinasuhan na

November 12, 2022 @ 4:06 PM 4 weeks ago


MAGUINDANAO DEL SUR – Sinampahan na ng kaso ng mga awtoridad noong Huwebes ang 10 miyembro ng teroristang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kabilang ang kanilang lider sa pananambang-patay sa mga pulis na ikinamatay ng dalawa kabilang ang hepe ng Ampatuan-PNP, nitong Agosto 30.

Ayon kay Major Reggie Abellera, tagapagsalita ng Maguindanao del Sur police office, nagsampa ng kaso ang Criminal Investigation and Detection Group in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-BARMM)sa provincial prosecutor’s office ng mga kasong murder, damages to property at theft laban kay BIFF Commander Jacket at sampu na nitong kasamahan.

Matatandaan, bandang alas-9 ng umaga noong Agosto 30, naganap ang krimen sa Barangay Kapinpilan, Ampatuan.

Patungo sana ang grupo ng namatay na sina Police Lt. Reynaldo Samson, 40, hepe ng Ampatuan police at driver nitong si Cpl. Salipudin Endab sa naturang lugar para isilbi ang warrant of arrest laban kay Commander Kambal, sub-leader ng BIFF-Kagi Karialan faction.

Pagkatapos ng pananambang personal naman nagtungo sa lugar sina Interior Secretary Benhur Abalos at PNP Director Gen. Rodolfo Azurin Jr., para bisitahin ang mga nasugatan pulis at nagtungo sa burol ni Samson sa funeral parlor sa Esperanza, Sultan Kudarat.

Pinarangalan rin nina Abalos at Azurin ang tatlong sugatan pulis ng “Medalya ng Kadakilaan” at “Medalya ng Sugatang Magiting” na sina Police Master Sgt. Renante Quinalayo; Corporals Rogelio Dela Cuesta Jr.; at Marc Clint Dayaday. Mary Anne Sapico