Suspek sa Mandaluyong hit-and-run dumalo sa preliminary probe

Suspek sa Mandaluyong hit-and-run dumalo sa preliminary probe

June 23, 2022 @ 2:30 PM 2 days ago


MANILA, Philippines- Nagpakita nitong Huwebes si Jose Antonio Sanvicente, drayber ng SUV sa viral hit-and-run sa Mandaluyong City, sa ikalawang preliminary hearing ng mga kaso laban sa kanya.

Naghain si Sanvicente ng counter-affidavit sa Mandaluyong Prosecutor’s Office upang ipaliwanag ang kanyang panig matapos sagasaan ang isang security guard sa isang mall sa lungsod.

Umalis din siya makalipas ang 30 minuto at tumangging magbigay ng pahayag sa media.

Matatandaang hindi sumipot si Sanvicente sa unang hearing noong nakaraang linggo. Ito ang una niyang public appearance matapos sumuko sa mga pulis noong Hunyo 15 at humingi ng tawad sa security guard na si Christian Joseph Floralde sa isang press conference.

Hindi naman nakadalo si Florande sa hearing dahil hindi umano maganda ang kanyang pakiramdam, ayon sa kanyang abogadong si Federico Biolena.

Ayon kay Biolena, wala siyang alam na anumang “aregluhan” sa pagitan ng kanyang kliyente at ni Sanvicente.

Nahaharap si Sanvicente sa reklamong frustrated murder at abandonment of one’s victim na inihain ng Mandaluyong police. RNT/SA