Suspek sa NCMH director slay, nakilala na ng pulisya

 Suspek sa NCMH director slay, nakilala na ng pulisya

August 4, 2020 @ 6:17 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakilala na ng mga otoridad ang suspek sa pagpatay kay National Center for Mental Health (NCMH) chief Dr. Roland Cortez, ayon sa hepe ng Quezon City Police District.

“Kahapon po nag-meeting ‘yung SITG natin. Maganda na po ang resulta. May lead na po tayo sa driver ng motorcyle, nakuha na natin ‘yung picture niya. More or less malapit na natin mai-file ‘yung kaso,” ayon kay Police Brigadier General Ronnie Montejo.

Tumanggi naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas na pangalanan at ilabas ang larawan ng suspek dahil patuloy pa rin itong hinahanap ng pulisya.

Una nang sinabi ni QCPD Criminal Investigation and Detection Unit chief Police Major Elmer Monsalve na bago patayin si Cortez ay nakatatanggap na ito ng banta mula sa suspek.

Matatandaang binaril si Cortez noong Hulyo 27 ng gunmen na nakasakay sa motorsiklo sa may Tandang Sora, Quezon City kung saan napatay rin ang driver na si Ernesto Dela Cruz sa nasabing pamamaril. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...