Suspek sa New Zealander slay sumuko

Suspek sa New Zealander slay sumuko

February 24, 2023 @ 7:16 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sumuko na sa pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang turistang New Zealander sa Makati City noong Pebrero 19.

Kasama ng kanyang mga kapamilya, sumuko sa pulisya ang suspek na si John Mhar Manalo sa Pasig City Biyernes ng madaling araw.

Kinilala si Manalo ng tatlong saksi na siyang bumaril sa biktimang si Nicholas Peter Stacey sa tangkang pagnanakaw. Sumuko siya ilang oras matapos na pangalanan ng pulisya bilang isa sa dalawang suspek sa pagpatay.

Una nang nag-alok ang kapulisan ng P500,000 pabuya para sa makapagtuturo sa mga suspek.

Sa panig ni Manalo, itinanggi niyang may kinalaman siya sa pagpatay kay Stacey ngunit sumuko ito sa warrant of arrest kaugnay ng hiwalay na insidente ng pagnanakaw na naganap sa Bulacan.

Binaril si Stacey nang tangkaing ipagtanggol ang kanyang kasintahan mula sa mga nakamotorsiklong tandem na bumiktima sa kanya sa kahabaan ng Filmore Street sa Barangay Palanan, Makati City noong Linggo. RNT