Suspek sa pagpaslang sa isang abogado, huli sa manhunt operation

Suspek sa pagpaslang sa isang abogado, huli sa manhunt operation

April 3, 2022 @ 4:45 PM 3 months ago


GAPAN, Nueva Ecija – Matapos ang ilang taon ng pagtatago sa batas, bumagsak sa pwersa nang mga kapulisan ang di-umanoy isa sa mga sinasabing suspek sa pagkamatay ng isang abogado, halos apat na taon na ang nakalilipas.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Alexie A. Desamito, hepe ng Gapan City police station kay Nueva Ecija director, P/Col. Jess Mendez, kinilala ang arestadong suspek na si Christopher Gonzales y Sagun a.k.a Yeye, 40, binata, walang trabaho at residente Brgy. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Desamito, ganap na 6:35 ng gabi ng magkasa ng isang manhunt charlie operation at masakote ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Gapan City Police Station, 303rd RMFB 3 at 1st PMFC 4th Maneuver Platoon,  sa Brgy. Makabaklay, Gapan City, Nueva Ecija nitong Biyernes, April 1, 2022.

Si Gonzales ay inaresto sa bisa ng Alias Warrant of Arrest  para sa di-umanoy kasong Robbery with Homicide na may Criminal Case No. 22188-18 na inisyu ng korte o Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 34, Gapan City, Nueva Ecija noong July 3, 2018 at walang pagkakataon para makapagpiyansa.

Dagdag pa dito, ang suspek ay nasa talaan ng pulisya bilang Most Wanted Person (Ranked Number 7 City Level 2nd Quarter 2022). Elsa Navallo