Suspek sa pagpatay kay Mayor Bote, arestado sa Camarines Sur

Suspek sa pagpatay kay Mayor Bote, arestado sa Camarines Sur

July 11, 2018 @ 11:36 AM 4 years ago


 

Camarines Sur – Arestado ang dalawang suspek sa pagpatay sa alkalde ng probinsiya ng Nueva Ecija, ayon sa mga pulis ngayong Miyerkules (July11).

Kasalukuyang hawak ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga naarestong suspek.

Noong July 3, pinagbabaril ng riding-in-tandem ang sasakyan ni Mayor Ferdinand Bote ng bayan ng General Tinio habang papalabas ito ng government office sa kapitolyo ng Nueva Ecija.

Naaresto ang suspek sa isang checkpoint sa Del Gallego, Camarines Sur ayon kay Bicol region police director Chief Supt. Arnel Escopal.

Una nang sinabi ng mga pulis na ang pagpatay kay Mayor Bote ay dahil sa pulitika o di kaya’y sa family business nito.

Si Bote ang pangalawa sa tatlong local na opisyal na pinatay noong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga napaslang ay sina Tanauan Mayor Antonio Halili ng Batangas at si Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan. (Remate News Team)

Photo courtesy: Peewee C. Bacuno