Suspek sa pagpatay sa 2 Pinoy sa UAE ‘di pa rin tukoy-DFA

Suspek sa pagpatay sa 2 Pinoy sa UAE ‘di pa rin tukoy-DFA

August 12, 2022 @ 2:08 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bigo pa rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makakuha ng mabungang development ukol sa mga suspek sa pagkamatay ng dalawang Pilipino sa United Arab Emirates.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo Jose de Vega na ang dalawang lalaking Pinoy ay natagpuang patay sa kanilang apartment sa Dubai na “naka-lock sa loob” noong nakaraang buwan.

“So far, wala pang natukoy na perpetrator. And as I was saying, we would like to work on it discreetly. Kaya nga hindi ko na binanggit ang mga pangalan ng mga kamag-anak,” anang opisyal sa mga mamamahayag.

Siniguro naman ni De Vega na kasalukuyan nang nakikipagtulungan ang DFA sa mga kaanak ng dalawang biktima.

Dagdag pa ni de Vega na mahigpit na minomonitor ng  Philippine Consulate General sa Dubai at legal retainer ng bansa doon aang mga development hinggil sa isinasagawang imbestigasyon.

Mahigpit din aniya ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa bagong likhang Department of Migrant Workers. RNT