Suspek sa pagpatay sa 2 pulis-Pampanga todas sa shootout – PNP

Suspek sa pagpatay sa 2 pulis-Pampanga todas sa shootout – PNP

December 5, 2022 @ 10:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Napatay ang lalaking itinuturong bahagi ng grupo sa likod ng pagpatay sa dalawang pulis sa Pampanga nitong Sabado, sa hot pursuit operation, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Napatay ang unidentified suspect, sakay ng motorsiklo, na umano’y makipagbarilan sa mga pulis sa checkpoint nitong Linggo, base sa PNP.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang caliber 45 pistol at motorsiklo, batay sa PNP.

Naganap ang engkwentro nang magsagawa ang Pampanga Police personnel ng followup operations upang tugisin ang mga suspek sa pagpatay kina Police Senior Master Sergeant Sofronio Capitle Jr. at Police Staff Sergeant Dominador Gacusan Jr.

Nauna nang naaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa pagpatay na sina Jun Jun Espiritu Baluyut, Aries Espiritu Bagisic, at Leslie Placiente. Nahuli sila sa Barangay Dau sa Mabalacat City, Pampanga, nitong Linggo ng umaga.

Base sa inisyal na imbestigasyon, patungo ang mga biktimang sina Capitle at Gacusan ng Mabalacat Police mula sa anti-illegal drugs operations nang paputukan sila ng mga suspek.

Bumaba ang mga suspek mula sa kanilang mga motorsiklo at binaril ang mga biktima, na agad na ikinamatay ng huli, base umano sa mga saksi.

“I already gave my order to [the Police Regional Office 3 director] to supervise the conduct of thorough investigation and pursuit operation to arrest those who were involved on this murder case that led to death of our two PNP personnel,” pahayag ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

“We expressed our heartfelt condolences to the bereaved families of PSMS Capitle and PSSg Gacusan. The entire PNP family grieves with their family and loved ones for losing a great son, a friend, and a public servant. Rest assured that PNP will provide all due assistance to our demised members,” dagdag niya. RNT/SA