Suspek sa pagpatay sa kasintahang buntis at pamangkin, timbog sa Bicol

Suspek sa pagpatay sa kasintahang buntis at pamangkin, timbog sa Bicol

August 3, 2018 @ 4:10 PM 5 years ago


Mandaluyong City – Arestado sa Camarines Norte ang suspek sa pagpatay sa magtiyahin noong nakaraang Abril 17 sa isang condominium sa Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Benjamin Pardinez Jr., 44-anyos ng Bacoor, Cavite na siyang pumatay sa limang buwang buntis na si Ma. Rosula Paunil at pamangkin 11-anyos na pamangkin.

Matapos ang halos apat na buwan na pagtatago ay naaresto ang suspek sa Brgy. Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte, dakong alas-9:15 ng umaga noong Agosto 2, sa pakikipagtulungan ng Mandaluyong Police Station at ni PC/Insp. Roberto N. Marinda ng Labo Police Station.

Inaresto si Pardinez sa bisa ng mandamiento de aresto na ilibas nitong Agosto 1 ni Presiding Judge Joanne Hernandez-Lazo ng RTC Branch 5 para sa kasong murder with Unintentional Abortion at murder.

Sa ngayon ang suspek ay nakakulong sa Mandaluyong Police Station habang hinihihintay ang commitment order mula sa korte. (Toto Nabaja)